ANG WASTONG MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG TAMANG PAMAMARAAN SA PAGLALABA NG MGA KASUOTAN

ANU-ANO ANG WASTONG MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG TAMANG PAMAMARAAN SA PAGLALABA NG MGA KASUOTAN?

Ano nga ba ang layunin sa paulit-ulit na paglalaba ng ating mga kasuotan?

Ang layunin ng paulit-ulit na paglalaba ng ating mga kasuotan gamit ang mga kamay ay ang linisin ang mga ito pagkatapos natin naisuot o nagamit upang magamit muli nang maayos at amoy nilabahan at upang tumagal pa ang paggamit mo sa iyong mga kasuotan. Samantalang, ang layunin naman ng paglalaba gamit ang washing machine ay halos kapareha lang din naman sa layunin ng paglalaba gamit ang mga kamay, magkaiba lang sa bilis ng pagtatapos sa paglalaba.

Disadvantage at Epekto ng Paglalaba

Ano ba ang disadvantage at epekto sa paglalaba gamit ang mga kamay at and washing machine?

Sa paglalaba gamit ang mga kamay ay medyo may kabagalan ang pagtatapos sa paglalaba samantalang ang paglalaba gamit ang washing machine ay medyo mabilis kang makakatapos sa paglalaba. Ang epekto ng paglalaba gamit ang mga kamay ay mapapatagal ang paggamit sa mga kasuotan, samantalang kung panay washing machine ang gamit sa paglalaba ay posibleng madali lamang masira ang iyong mga kasuotan.

Mga Dapat Tandaan sa Paglalaba

Kung mayron po kayong washing machine, mas mainam. Kaya lang, ito po ang inyong tatandaan, hindi lahat ng klaseng mga damit o mga kasuotan ay pwedeng lalabhan gamit ang washing machine dahil may mga tela na madaling masisira kung palagi mo itong labhan gamit ang washing machine, sayang naman. Hindi pwedeng ihalo ang mga kumukupas na mga damit dahil nakakahawa ang kulay nito sa iba pang mga damit. Maraming uri ng kasuotan ang ating ginagamit. Mahalagang batid o alam natin ang tamang mga paraan sa pangangala ng mga ito.  

Sa mga naglalaba o maglalaba, gamit man ang washing machine o mga kamay, kailangan niyo po sundin ang tamang pamamaraan at mga hakbang sa paglalaba upang magiging matagumpay ang iyong paglalaba.

Kailangan po ba talagang sundin ang wastong paraan ng paglalaba gamit ang mga kamay? Hindi ba pwedeng labhan na lang ang mga damit sa kung anong paraan ang kusang maisipan at magawa ng naglalaba?

Yes po. Tama. Kailangan sundin ang wastong mga paraan o mga hakbang sa paglalaba gamit ang mga kamay upang maging maaayos, malinis at mabango ang iyong nilabahang mga damit. Kasi kung hindi mo ito sundin, posibleng mamamaho ito at baka mas maamoy pa ang mga ito kaysa noong bago mo pa ito nilabahan. Kaya mahalaga na sundin mo ang tamang pamamaraan ng paglalaba gamit ang mga kamay.

Itinuturo sa mga Mag-aaral ang Wastong Pamamaran ng Paglalaba

Ang wastong paraan at mga hakbang sa paglalaba gamit ang mga kamay ay itinuturo ito sa mga kabataan o mga mag-aaral sa paaralaan sa elementary amula Grade 4 hanggang Grade 6 hanggang sa iba pang baiting sa pag-aaral. Ang mga aralin nito ay inuturo o matatagpuan sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o EPP at sa iba pang mga asignatura. Kung bakit itinuturo ang EPP sa mga mag-aaral, paki-click at pakipanuod ang videong ito: Facebook or dito po sa Watch | Facebook.

1. Paghiwalayin ang mga puti at mga de-kolor na mga kasuotan. Paghiwalayin ang mga maliliit at malalaking mga kasuotan. Ihiwalay din ang mga damit na kumukupas at huwag itong isabay sa paglalaba upang hindi mahawa sa kulay ang ibang mga damit.

2. Tingnan ang mga kasuotang may mga bulsa at i-check ang mga ito kung may laman ba o wala upang maiwasan ang anumang pinsala sa paglalaba.

3. Isak-sak ang washing machine at lagyan ito ng tubig at kung mga kamay ang gagamitin sa paglalaba ay lagyan ng tubig ang batya o mga palanggana.

4. Lagyan nang katamtamang powder na sabon ang tubig. Kung detergent bar na sabo ang gagamitin sa paglalaba gamit ang mga kamay ay ok lang din naman.

5. Unahing basain ang mga puti bago ang mga de kolor. Kung Hindi ka gagamit ng washing machine, ibabad nang magkahiwalay ang mga damit sa detergent powders sa loob ng 30 minuto.

6. Unahing labhan ang mga puti na mga kasuotan at isunod ang mga de-kolor at ihuli ang mga kumukupas na mga damit kung mayron man.

7. I-set ang timer ng washing machine sa saktong bilis o saktong dami ng pag-ikot nito upang hindi masubraan o masira ang mga nilabahan. Kung sa kamay naman, siguraduin na maayos ang pagkakakusot sa mga labahin upang matanggal ng maayos ang mga dumi at amoy ng mga ito.

8. Pagkatapos, banlawan ang mga ito ngdalawa o tatlong beses. Unahin ang mga panloob, tapos ang mga puti, at huli ang mga maong at de kolor. Pigain nang mabuti pagkatapos mabanlawan.

9. Baliktarin ang mga nilabahang mga damit bago ito isampay. Kung nais niyo namang mas mabango ang iyong nilabahan, pwede niyo namang lagyan o ibabad saglit sa fabric conditioner ang mga ito at pigain nang maayos bago isampay.

10. Sa pagsasampay, isampay ang mga puti sa maaraw na lugar upang mas lalo pa itong pumuti. Ang mga de-kolor naman ay isampay sa malilim o hindi direktang nasisikatan ng araw upang hindi ito mamumuti o kukupas.

11. Pagkatuyo ng mga ito, iligpit nang maayos. Itupi nang maayos ang mga dapat itupi, i-hanger ang mga dapat i-hanger at ilagay ang mga ito sa tamang lagayan. 


Thank you very much for visiting my blogs here at blogger.com.

Comments

Popular posts from this blog

HUWAG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SAYO

ANG PAMUMUHAY NANG TAHIMIK AT PAYAPA

How to Manage Anger and Hatred