ANG PAMUMUHAY NANG TAHIMIK AT PAYAPA
“PAMUMUHAY NANG TAHIMIK AT PAYAPA” Para sa akin, magkakaroon lamang ang tao ng isang pamumuhay na tahimik at payapa, una, kung, wala siyang kapuwa na inaagrabyado at walang inaapakang karapatang pantao. Pangalawa, kung wala siyang kaaway o kasamaang loob o nasasaktang damdamin. Pangatlo, kung marunong makikisama at puno ng paggalang sa kapuwa. Pang-apat, kung gumawa siya palagi ng kabutihan sa kaniyang kapuwa. Pang-lima, kung nagawa o nasunod niya ang mga iniuutos sa kautusan ng ating Panginoon at ang mga nabanggit sa panatang Makabayan. Ang pamumuhay ng tahimik at payapa ay magsisimula sa sarili at sa pamilya. Kung ang sarili ay magulo, maingay, makalat at madumi, malamang hindi makakamit at hindi matatamasa ng tao ang tunay na payapa at tahimik na pamumuhay. Ang pamumuhay ng tahimik at payapa ay siyang susi sa isang buhay na panatag at matatag. Kaya, kung nais mamuhay nang tahimik gawin ang responsible at ligtas na pakikitungo sa kapuwa. Nazario B. Makiling ...