Posts

Showing posts from August, 2023

ANG PAMUMUHAY NANG TAHIMIK AT PAYAPA

  “PAMUMUHAY NANG TAHIMIK AT PAYAPA” Para sa akin, magkakaroon lamang ang tao ng isang pamumuhay na tahimik at payapa, una, kung, wala siyang kapuwa na inaagrabyado at walang inaapakang karapatang pantao. Pangalawa, kung wala siyang kaaway o kasamaang loob o nasasaktang damdamin. Pangatlo, kung marunong makikisama at puno ng paggalang sa kapuwa. Pang-apat, kung gumawa siya palagi ng kabutihan sa kaniyang kapuwa. Pang-lima, kung nagawa o nasunod niya ang mga iniuutos sa kautusan ng ating Panginoon at ang mga nabanggit sa panatang Makabayan.  Ang pamumuhay ng tahimik at payapa ay magsisimula sa sarili at sa pamilya. Kung ang sarili ay magulo, maingay, makalat at madumi, malamang hindi makakamit at hindi matatamasa ng tao ang tunay na payapa at tahimik na pamumuhay. Ang pamumuhay ng tahimik at payapa ay siyang susi sa isang buhay na panatag at matatag. Kaya, kung nais mamuhay nang tahimik gawin ang responsible at ligtas na pakikitungo sa kapuwa. Nazario B. Makiling   ...

HUWAG KANG MANINIMDIM, ANG BUHAY AY GULONG NG PALAD

  "Wag kang maninimdim, ang buhay ay, gulong ng palad." Isang linya ng sikat na kanta ng batikang singer na si Jerome Sala. Para sa akin, ang kahulugan sa terminong “gulong ng palad”, ay tumutukoy sa posibleng mga pagbabago sa kapalaran ng isang tao o indibidwal. Ito ay mga nakapalibot na mga pangyayaring posibling madaanan o maranasan sa takbo ng buhay ng bawat isa. Mula sa mga pinagdadaanan, kasalukuyang naranasan at maging sa hinaharap ng kinabukasan. Kaya hindi ako naniniwala sa sinasabing nakatakdang tadhana sa buhay dahil pabago-bago nga po ang takbo ng buhay ng tao. Anuman ang kalagayan ng pamumuhay ngayon ay maaaring hindi na ganyan bukas at sa hinaharap. Nazario B. Makiling

HUWAG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SAYO

  “HUWAG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SA IYO”  Mahalagang mag-iingat dapat sa pakikisalamuha sa kapuwa. Ang bawat isa ay may mga ayaw at kanya-kanyang pwede. Upang maiwasan ang mga gawaing ayaw, sikapin ding huwag gawin sa iba ang mga ayaw na gawain. Kung ano ang gagawin ng tao sa kanyang kapuwa ay siya ring babalik sa kanya. Kung naging mabuti ang tao sa kanyang kapuwa ay mabubuti rin ang kanyang matatanggap. Ngunit kung masama ang itinanim ay ganun din ang aanihin. Kung naging masama ang tao, masama din ang kanyang matatanggap mula sa kanyang kapuwa. Kung ano ang di mo gusto, huwag gawin sa iba. Maging maingat lang palagi sa pakikitungo sa kapuwa at maging sa mga kilos at gawa at sa bibitawang mga salita kahit saan mang lugar. Matotong gumalang sa kapuwa, bata man o matanda.

NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA

  “NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA” Hindi na bago ang kasabihang ito, ngunit marami pa ring mga tao ang hindi nakaka-intindi sa tunay na kahulugan nito. Sa simple kong pang-unawa at pananaw, kailangan ng tao na kumilos at magtrabaho. Gawin niya dapat ang lahat ng mga nararapat at mararangal upang umunlad ang buhay. Ang pagkamit ng tagumpay sa sariling buhay ay hindi dapat i-aasa sa iba. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang sariling buhay kaya bawat isa ay dapat humanap ng sariling diskarte sa buhay. Walang ibang makakatulong kundi ang bawat sarili lamang. Walang madali sa buhay, lahat ay dumaan sa paghihirap. Hindi kaaawaan ng Panginoon ang hindi niya nakita na kumilos ng husto, nagtiis at nagtiyaga. Kung gustong umunlad ang buhay, kumilos at magtrabaho. Gawin ang mga hakbang sa pagkamit ng tagumpay. Nakikita ng Diyos kung ano ang pinaggagawa ng tao.