NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA

 

“NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA”

Hindi na bago ang kasabihang ito, ngunit marami pa ring mga tao ang hindi nakaka-intindi sa tunay na kahulugan nito. Sa simple kong pang-unawa at pananaw, kailangan ng tao na kumilos at magtrabaho. Gawin niya dapat ang lahat ng mga nararapat at mararangal upang umunlad ang buhay. Ang pagkamit ng tagumpay sa sariling buhay ay hindi dapat i-aasa sa iba. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang sariling buhay kaya bawat isa ay dapat humanap ng sariling diskarte sa buhay. Walang ibang makakatulong kundi ang bawat sarili lamang. Walang madali sa buhay, lahat ay dumaan sa paghihirap. Hindi kaaawaan ng Panginoon ang hindi niya nakita na kumilos ng husto, nagtiis at nagtiyaga. Kung gustong umunlad ang buhay, kumilos at magtrabaho. Gawin ang mga hakbang sa pagkamit ng tagumpay. Nakikita ng Diyos kung ano ang pinaggagawa ng tao.        

Comments

Popular posts from this blog

HUWAG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SAYO

ANG PAMUMUHAY NANG TAHIMIK AT PAYAPA

How to Manage Anger and Hatred