HUWAG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SAYO
“HUWAG GAWIN SA IBA ANG AYAW MONG GAWIN SA IYO”
Mahalagang mag-iingat dapat sa pakikisalamuha sa kapuwa. Ang bawat isa ay may
mga ayaw at kanya-kanyang pwede. Upang maiwasan ang mga gawaing ayaw, sikapin
ding huwag gawin sa iba ang mga ayaw na gawain. Kung ano ang gagawin ng tao sa
kanyang kapuwa ay siya ring babalik sa kanya. Kung naging mabuti ang tao sa
kanyang kapuwa ay mabubuti rin ang kanyang matatanggap. Ngunit kung masama ang
itinanim ay ganun din ang aanihin. Kung naging masama ang tao, masama din ang
kanyang matatanggap mula sa kanyang kapuwa. Kung ano ang di mo gusto, huwag
gawin sa iba. Maging maingat lang palagi sa pakikitungo sa kapuwa at maging sa mga
kilos at gawa at sa bibitawang mga salita kahit saan mang lugar. Matotong
gumalang sa kapuwa, bata man o matanda.
Comments
Post a Comment